sa wakas! natapos ko din ang mga requirements ko sa MA. masarap mag-aral kasi nagagamit ko ang utak ko kaso nakakapagod pala kapag kasabay sa trabaho. lalo na kung 8 hours 5 days a week ang trabaho. idagdag pa na matrabaho ang napili kong graduate program. pagod talaga!
pero masaya. nadagdagan ang aking mga kaibigan. mas lumawak ang aking mundo...ang aking pananaw (maliban sa pulitika dahil kahit anong mangyari wala akong kahit katiting na interest sa bagay na iyan).
sa isang sem na inilagi ko sa eduk, natutunan ko ang mga tawag sa iba't-ibang kapansanan at ang mga programa para sa kanila. natutunan ko ang gumawa ng curriculum, curriculum benchmarks, subject map, weekly plan at detailed lesson plan. challenging ang pag-aaral ng kursong education. pipigain nito ang lahat ng creative juices sa utak mo.
natutunan kong teaching is an art. hindi ito nasasaklaw lamang ng siyensya. walang eksaktong pamamaraan ng pagtuturo. bawat estudyante sa isang klase ay may sari-sariling pangangailangan at kinakailangang malaman ito at magawan ng paraan ng isang guro. bawat estudyante ang kailangang isaalang-alang sa bawat leksiyon na ituturo. ang kakayahang matuto ng isang mag-aaral ay nakasalalay sa mga guro nito. mahirap pala ang maging guro dahil napakalaki ng responsibilidad na hawak nila.
pero umpisa pa lang pala ang mga iyan. dalawang taon o mahigit pa ang aking kailangang bunuin upang maging ganap na guro at upang lubos na maunawaan ang propesyon. sana lang manatiling matatag ang aking puso upang matapos ang aking nasimulan.
Monday, April 04, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment