nakakairita ang mga drivers (lalo na yung mga nasa private and airconditioned cars) na busina ng busina ng pagkalakas-lakas sa mga jeeps na nasa unahan nila! sila ang mga taong walang pakundangan sa mga taong napeperhuwisyo sa paligid nila. kung may powers lang ako gaya ng mga ae'sedai, babalutin ko sasakyan nila ng one power para sila lang ang makakarinig ng mga busina nila hanggang sa tuluyan na silang mabingi! pati na rin ang mga smoke belchers na yan! sana sila na lang ang malason ng kanilang mga ibinubugang usok at ng mawala na sila sa mundong ito!
tulad ng nangyari sa akin kagabi! gusto kong ibato sa pagmumukha ng driver ng van ang dala kong pizza dahil sa inis sa busina nya. kaso baka may baril ang mokong. hehehe. ayokong mamatay sa ganoong paraan, noh!
bakit ba hindi na lang tanggalin ang mga businang yan! kung mawawala yan, matututong mag-ingat at maging cautious ang mga motorista sa daan. mababawasan pa ang noise pollution sa mundo.
Grrr!!! i think i'd die early because of my frustration that i have no supernatural powers to fight evil in this world.=( kawawa naman ang mga api...
Monday, February 07, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment